Halos 90,000 kilo ng recyclables nakolekta ng MMRF
Umabot na sa halos 90,000 kilo ang mga recyclables na nakolekta ng Mobile Materials Recovery Facility (MMRF) “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng MMDA simula Enero hanggang Hunyo 27 ngayong taon.
Higit P300,000 naman ang halaga ng mga grocery items na naipamahagi sa mga nag-ipon at nagpapalit ng kanilang recyclables.
Sa ilalim ng proyekto, may katumbas na puntos ang mga malinis na recyclables gaya ng PET bottles, papel, at mga lata na maaaring ipalit sa mga basic goods gaya ng asukal, mantika, at de lata.
Ang MMRF ay isa sa waste management initiatives sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 kung saan kabahagi ang MMDA na may layuning mabawasan ang pagbaha sa Kamaynilaan. (Bhelle Gamboa)