Philippine Coast Guard muling nakaranas ng pangha-harass mula sa barko ng China
Muling nakaranas ng pangha-harass ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa barko ng China na nasa Ayungin Shoal.
Ayon kay CG Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa usapin ng West Philippine Sea, PCG, noong June 30, 2023, ang MRRV-4402 at MRRV-4403 ay nagbigay ng suporta sa naval operation of the ng AFP Western Command sa Ayungin Shoal.
Gayunman, isang namataan ng PCG ang Chinese Coast Guard vessels (CCGVs) na mistulang gumagawa ng paraan upang hindi makarating ng Ayungin Shoal ang PCG.
Sinabi ni Tarriela na binuntutan at nilapitan ng malaking barko ng China ang barko ng PCG kung saan umabot na lamang sa halos 100 yards ang distansya.
Sinabi ng PCG na ang aksyong ito ng barko ng China ay malinaw na pagbalewala sa Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGs).
Ikinabahala din ng Coast Guard ang presensya ng dalawang People’s Liberation Army Navy vessels sa Ayungin Shoal. (DDC)