Adjustment sa minimum wage, epekto ng El Niño may epekto sa inflation sa mga susunod na buwan – BSP

Adjustment sa minimum wage, epekto ng El Niño may epekto sa inflation sa mga susunod na buwan – BSP

Pasok sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang 5.4 inflation rate na naitala noong Hunyo.

Ayon sa BSP, ang kanilang forecast para sa June inflation ay 5.3 percent hanggang 6.1 percent.

Nakikita naman ng BSP na sa mga susunod na buwan, makaaapekto sa inflation ang pagtaas sa pamasahe, adjustment sa minimum wage, epekto ng El Niño phenomenon, at impact ng mataas na toll rates sa agricultural items.

Una ng sinabi ni Bagong BSP governor Eli Remolona na maaaring bumalik ang inflation sa 2 to 4 percent target range bago matapos ang taong kasalukuyan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *