BIR nagbabala sa pagbebenta ng TIN Card online

BIR nagbabala sa pagbebenta ng TIN Card online

Binalaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko sa pagbili ng TIN Card sa mga online seller.

Ayon sa BIR, ang mga TIN Card na ibinebenta online ay peke at ilegal ang pagbebenta nito.

Pinayuhan ng BIR ang publiko na huwag tangkilikin ang mga seller ng TIN Card online at i-report ang mga ito sa ahensya.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., kamakailan, nadiskubre ng ahensya na may mga indibidwal na nag-aalok ng “BIR TIN ID ASSISTANCE” sa Facebook, Shopee, Lazada at iba pang online selling platforms.

Sinabi ni Lumagui na ang mga ito ay hindi otorisado ng BIR.

Nakipag-dayalogo na ang Client Support Service ng BIR sa mga kinatawan ng Shopee at Lazada para maresolba ang isyu.

Ipinaliwanag ni Lumagui na ang TIN Cards ay hindi “FOR SALE” at iniisyu lamang ito ng mga otorisadong tauhan ng BIR.

Ang pagbebenta at pamemeke nito ay may karampatang parusa sa ilalim ng Section 257 ng Tax Code of 1997. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *