P4.2M na halaga ng shabu na itinago sa bread toaster nakumpiska sa Clark

P4.2M na halaga ng shabu na itinago sa bread toaster nakumpiska sa Clark

Nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark ang mga ilegal na droga na itinago sa dalawang oven toasters at tinangkang ipasok sa bansa.

Ang 614 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P4.237 million ang halaga ay nakita sa bagahe na idineklarang nalalaman ng “stainless steel two slice bread toaster” galing ng Arizona, USA.

Isinailalim sa pagsusuri ng X-ray Inspection Project (XIP) personnel ang bagahe at sa K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit at doon nakumpirmang may ilegal na droga sa loob nito.

Nang isagawa ang physical examination ng mga customs examiner ay nadiskubre ang apat na pouch na naglalaman ng shabu.

Nakumpirma din sa ginawang chemical analysis ng PDEA na shabu nga ang natuklasan sa bagahe.

Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention sa kargamento. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *