Sa ikalimang sunod na buwan, inflation muling bumagal; 5.4 percent inflation rate naitala noong Hunyo

Sa ikalimang sunod na buwan, inflation muling bumagal; 5.4 percent inflation rate naitala noong Hunyo

Muling bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan ng Hunyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala noong Hunyo ang 5.4 inflation rate.

Mas mababa ito kumpara sa 6.1 percent inflation rate na naitala noong Mayo at ika-limang sunod na buwan na din na pagbaba ng inflation.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, pangunahing nag-ambag sa mababang headline inflation ay ang mas mababang presyo ng food food at non-alcoholic beverages.

Ayon sa PSA partikular na bumaba ang presyo ng karne, prutas, at asukal.

Bumaba din ang presyo sa larangan ng transport partikular ang gasolina, at diesel.

Nag-ambag din ang pagbaba ng presyo ng kuryente at rentals. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *