COVID-19 pandemic at election ban, dahilan ng pagkakabinbin ng flood control projects ng MMDA noong 2022

COVID-19 pandemic at election ban, dahilan ng pagkakabinbin ng flood control projects ng MMDA noong 2022

Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may mga flood management projects ang ahensya na nabinbin ang implementasyon.

Kasunod ito ng inilabas na report ng Commission on Audit (COA) na nagsasabing 29 percent lamang ng flood control projects ng MMDA ang natapos noong taong 2022.

Paliwanag ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang 33 proyekto sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project (MMFMP) Phase 1 na hindi pa fully implemented ay pinondohan ng World Bank (WB) at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Dahil foreign-assisted project aniya ang mga ito, iba ang proseso ng procurement kumpara sa early procurement process sa ilalim ng Republic Act 9184.

Paliwanag ni Artes, dumaan sa masusing proseso at diskusyon bago ito naaprubahan ng World Bank.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga proyektong kinukwestyon ng COA ay pawang nasa pagitan ng taong 2018 at 2022, kung kailan tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Ang ibang proyekto naman ay naapektuhan ng election ban kaya na-delay ang implementasyon.

Tiniyak ni Artes na masusing minomonitor ng kanilang MMFMP – Project Management Office ang lahat ng proyektong nakabinbin.

Sa 47 na proyekto na binanggit sa COA report, 27 dito ang nakumpleto na, 12 ang ongoing pa at inaasahang matatapos ngayong taon, 3 naman ang nasa procurement process, at 5 ang hindi na itutuloy dahil hindi na ito kailangan o hindi na mahalaga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *