Mahigit 1,700 kilos ng frozen meat products nakumpiska sa Chinese Restaurant sa Cebu City
Kabuuang 1,705 kilograms ng frozen meat products ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang operasyon sa isang Chinese Restaurant sa Cebu City.
Kabilang dito ang frozen meat products ng bibe, gansa, black chicken at frozen pork na nakumpiska mula sa Luys Classic Teahouse sa joint operation ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement (DA-IE) at ng National Meat Inspection Service (NMIS).
Ayon sa DA, nabigo ang pamunuan ng Chinese restaurant na magpakita ng certificate of meat importation o COMI.
Sinabi ni DA Assistant Secretary James Layug, ang operasyon ay base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sugpuin ang agricultural smuggling para matiyak ang pagkakaroon ng food safety at food security sa bansa. (DDC)