Pag-iral ng El Niño sa bansa pormal ng idineklara ng PAGASA
Pormal ng idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng pag-iral ng El Niño sa bansa.
Mula sa El Niño ay itinaas na ng PAGASA ang status patungong El Niño advisory.
Ayon sa PAGASA, nakararanas na ang bansa ng “weak” El Niño.
Maaaring maranasan ito hanggang sa unang quater ng taong 2024.
Magugunitang nong buwan ng Mayo ay nagpalabas ang PAGASA ng El Niño alert.
Una nang sinabi ng PAGASA na maaaring umabot sa 28 probinsiya ang maapektuhan ng dry conditions, habang aabot naman sa 36 na lugar ang maaring maapektuhan ng dry spell. (DDC)