DOH nagpaalala sa publiko hinggil sa Hand Foot and Mouth Disease
Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang pubiko na maging maingat laban sa Hand Foot and Mouth Disease.
Kasabay ito ng paggunita ng Hand Foot and Mouth Disease month ngayong Hulyo.
Ayon sa DOH, ito ay isang nakakahawang sakit na kailangang bantayan.
Para maprotektahan ang sarili at pamilya mula sa nasabing sakit, siguraduhin lamang na panatilihing malinis ang kapaligiran.
Ipinayo din ng DOH ang palaging paghuhugas o pag-sanitize ng mga kamay laban sa mga mikrobyo at mga sakit. (DDC)