Final command conference para sa idaraos na plebisito sa Carmona, Cavite isinagawa

Final command conference para sa idaraos na plebisito sa Carmona, Cavite isinagawa

Isinagawa ng Commission on Elections (Comelec) at ng mga otoridad ang Carmona Plebiscite Final Joint Security Command Conference.

Ito ay para sa idaraos na plebisito upang maratipikahan ang conversion sa munisipalidad ng Carmona bilang isang lungsod.

Dumalo sa idinaos na command conference ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang stakeholders.

Idaraos ang plebisito sa July 8, 2023.

Sa nasabing petsa isasagawa ang pag-deliver sa mga plebiscite forms, documents at iba pang suplay mula sa Municipal Hub patungo sa Polling Precincts.

Susundan ito ng pagboto, canvassing, at proklamasyon ng resulta. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *