“Plastic free sari-sari stores” isinulong ng isang environmental group

“Plastic free sari-sari stores” isinulong ng isang environmental group

Bilang paggunita sa International Plastic Bag Free Day, muling nanawagan ang grupong BAN Toxics sa pagsusulong ng plastic-free sari-sari stores para mabawasan ang plastic waste sa bansa.

Nagsagawa ang grupo ng “mock sari-sari store” na may signages na “Kahit konting pagTINGI” para bigyang-diin ang kahalagahan ng “refilling”.

Sa ilalim ng “Kahit konting pagTINGI” campaign, ipinakita ng BAN Toxics na ang Tingi-tingi culture ng mga Pinoy ay maaari ding maging plastic-free.

Sinabi ng BAN Toxics na kailangan lamang ng suporta ng pamahalaan para maisulong ang refilling, reuse, at iba pang alternatibong pamamaraan upang mabawasan ang paggamit ng plastic.

Ayon kay Rey San Juan, BAN Toxics Executive Director, kailangan ng agarang aksyon para mabawasan ang impact ng plastic packaging waste sa kalikasan.

Nanawagan din si San Juan sa mga industry, supply chains, at retail stores na simulan na ang pagkakaroon ng plastic-free “refilling” stores.

Sa datos ng World Bank, ang Pilipinas ay mayroong 2.7 million tons ng plastic waste taun-taon kung saan noong 2019 ay 28% lamang ang na-recycle.

Kilala din ang bansa sa pagiging ‘sachet economy’ kung saan umaabot sa 163 million plastic sachet packets, 48 million shopping bags at 45 million thin film bags ang ginagamit kada araw base sa 2019 study ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *