4 na dayuhan na sumira ng watawat ng Pilipinas sa Cavite, hawak na ng BI
Nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na dayuhan makaraang maaresto dahil sa hindi pagrespeto sa watawat ng Pilipinas sa Ternate, Cavite.
Ang tatlo Pakistani at isang Romanian ay unang dinakip ng Philippine National Police (PNP) Ternate.
Naging laman ng balita ang apat na dayuhan matapos makitang hinila ang Philippine flag, pinunit-punit at saka ito itinapon na malinaw na paglabag sa Republic Act 8491.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, sasailalim sa deportation proceedings ang apat na dayuhan.
Sinabi ni Tansingco na ang mga dayuhang nananatili sa bansa ay dapat marunong rumespeto sa ating bata.
Pansamantala ay nasa holding facility ng BI sa Taguig ang apat na dayuhan. (DDC)