59 na klase ng gamot para sa cancer, hypertension, high cholesterol, at iba pa, exempted na sa VAT – BIR
Nasa limampu’t siyam na klase ng gamot para sa iba’t ibang uri ng sakit inalisan na ng Value Added Tax (VAT).
Ang 59 na mga gamot sa sakit na cancer, hypertension, high cholesterol, diabetes, mental illness, tuberculosis, at kidney disease ay idinagdag sa listahan ng VAT-exempt products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (TRAIN Law) at Republic Act No. 11534 (CREATE Act).
Batay ito sa Revenue Memorandum Circular 72-2023 na inilabas ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr.
Ayon kay Lumagui, bahagi ito ng layunin ng BIR na matulungan ang mga Pilipino na maging mas madali ang kanilang pamumuhay. (DDC)