China magbibigay ng dagdag na tulong sa Albay
Kinumpirma ni Chinese Ambassador Huang Xilian na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mabilis na pagpapaabot ng kanilang tulong sa mga apektado ng bulkang Mayon.
Isang Chinese Navy Vessel ang nakatakdang dumating sa bansa bitbit ang karagdagang tulong nito mula sa China (PRC) para sa Albay.
Una nang nagpaabot ang China ng kanilang tulong sa Albay noong nakalipas na linggo kabilang na ang 4,102 na sako ng bigas, 100 kahon na bigas, 50 kahon ng harina, 20 kahon na crackers/flavored biscuits, 30 kahon na beef/chicken chilli hot noodles at 20 kahon na beef/chicken chilli hot noodles.
Ang nasabing donasyon na may kabuuang halaga na aabot sa P4 million ay agad na naipamahagi na sa mga apektadong mga LGUs.
Sa huling datos mula sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) aabot na sa 5,749 na mga pamilya o katumbas ng 20,082 na mga indibidwal ang nananatili ngayon sa 34 na mga evacuation centers mula sa 25 na mga barangay sa lalawigan. (DDC)