Bababa ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis may bawas na 70 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
Mababawasan naman ng 85 centavos ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang rollback bukas araw ng Martes, July 4. (DDC)