Agri-Kita inilunsad, mga magsasaka at mangingisda sa bansa makikinabang
Pormal na inilunsad ang Agri-Kita sa pakikipagtulungan ng Pasay City Government at tatlong munisipalidad mula sa probinsiya ng Leyte sa isang hotel sa lungsod ngayong Linggo,July 2.
Layunin ng proyekto na paangatin ang antas ng pamumuhay ng mga tinaguriang bayani ng ating bansa ang mga magsasaka at mangingisda upang lalong lumaki ang kanilang magiging kita sa iba’t ibang produktong pang-agrikultura.
Kabalikat din nito ang i-Unlad Foundation na naglalayong mamahagi ng libreng binhi ng palay sa mga magsasaka at makabagong makinarya na makatutulong sa pagpapalaki ng kanilang magiging ani.
Habang ang i-Unlad Cooperative ay handang umalalay sa mga magsasaka at mangingisda na magpahiram ng puhunan para sa kanilang pangkabuhayan.
Ibinida rin ang all-in-one na EupaGrow fertilizer na napakalaking katipiran ng magsasaka dahil magagamit nila ang isang litro lamang nito para sa isang ektaryang lupa sa halagang P750 na siguradong magpapataas ng kanilang ani at kita.
Samantala magkakatuwang ang LGUs ng Pasay,Matag-Ob, Palompon at Isabel sa probinsiya ng Leyte na kabilang sa BDO Alliance, ang pagbabahagi ng kani-kanilang pananaw at karanasan sa pagpapalakas ng turismo at pagpapaunlad ng agrikultura sa kanilang bayan, na malaking tulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Kasabay ng paglulunsad ng programa ay lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sina Yuan Saligumba,CEO Eupacare Marketing, Councilor Edith ‘Wowee’ Manguerra, ng i-Unlad Foundation,Virginia So,Councilor Joey Calixto, kumatawan kay Pasay City Mayor Emi Calixto- Rubiano,Matag-Ob,Leyte Mayor Bernie Tacoy, Isabel, Leyte Mayor Edgardo CordeƱo, at Palompon,Leyte Mayor Ramon Onte.
Nagsagawa rin ng turn-over ng fertilizer para sa tatlong bayan ng Leyte.
Samantala, nagkakaisa ang mga ito na tutukan ang pagpapaunlad ng kabuhayan ng kanilang mga mamamayan partikular ang pagbibigay ng kaukulang tulong ang mga magsasaka at mangingisda hindi lamang sa Leyte kundi sa iba’t ibang panig ng bansa. (Bhelle Gamboa)