DOT contractor humingi ng paumanhin sa stock footages na ginamit sa “Love Philippines” video

DOT contractor humingi ng paumanhin sa stock footages na ginamit sa “Love Philippines” video

Humingi ng paumanhin ang DDB Philippines dahil sa ginawa nitong paggamit ng stock footages sa “Love Philippines” video ng Department of Tourism (DOT).

Ang DDB Philippines ang agency na kinontrata ng DOT para sa bago nitong tourism campaign.

Inulan ng batikos ang video matapos mapuna ng publiko na ginamitan ang video ng mga foreign stock footage.

Sa pahayag ng kumpanya, inamin nitong ang paggamit ng stock footage ay taliwas sa objectives ng DOT.

Una ng iniutos ng DOT ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa video.

Ito ay matapos punahin ng blogger na si Sass Sasot ang limang scene sa video na kuninan sa ibang bansa kabilang ang rice terraces sa Bali, Indonesia; mangingisda sa Thailand; eroplano sa Zurich, Switzerland, dolphins at sasakyan sa san dunes sa Dubai, UAE. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *