Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 5 kilometers northeast ng bayan ng Lianga, 1:40 ng madaling araw ng Linggo, July 2.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 kilometers.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity II
– Tandag, Surigao del Sur
Intensity I
– Nabunturan, Davao de Oro (DDC)