Lato-lato patuloy na ibinebenta sa merkado ayon sa BAN Toxics

Lato-lato patuloy na ibinebenta sa merkado ayon sa BAN Toxics

Patuloy na ibinebenta sa merkado ang laruang lato-lato sa kabila ng abiso na unang ipinalabas ng Food and Drugs Administration (FDA) laban dito.

Sa isinagawang random market monitoring ng grupong BAN Toxics sa ilang tindahan ng laruan sa Caloocan, Manila, Pasay, Pasig, Quezon City, at Pateros patuloy ang pagbebenta ng lato-lato.

Nagawa pa ng BAN Toxics na makabili ng samples ng glow-in-the-dark at led lights lato-lato toys na walang balidong Certificate of Product Notification.

Ang glow-in-the-dark lato-lato toy ay mayroong foreign language label ay bigong makasunod sa requirements sa ilalim ng RA 10620 o Toy and Game Safety Labeling Law.

Sa ilalim ng RA 9711, ang paggawa, importation, exportation, pagbebenta, pagpapalaganap, promosyon, ng produkto na walang authorization mula sa FDA ay ipinagbabawal.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, malinaw na ang patuloy na pagbebenta ng lato-lato ay paglabag sa public health warning ng FDA.

Nagpadala na ng liham ang grupo sa FDA at sa Department of Trade and Industry para i-report ang on-site selling ng lato-lato toys. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *