Bagong terminal assignment ng ilang airlines ipinatupad na sa NAIA
Naipatupad na ang mga bagong terminal assignment ng ilang airline company sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), epektibo noong July 1 ang mga flight ng Sunlight Air ay inilpat na sa NAIA Terminal 4.
Ang nasabing terminal ay itinalaga na bilang turbo-prop airport terminal.
Ang Sunlight Air ay domestic boutique charter airline na may mga biyahe sa Camiguin, Siargao, Caticlan, San Vicente, Busuanga, at Naga.
Samantala, noon ding July 1, lahat ng domestic flights ng AirAsia Philippines ay inilipat na sa NAIA Terminal 2.
Ang mga international flights naman nito ay patuloy na mag-ooperate sa NAIA Terminal 3.
Ang paglipat ng terminal ng dalawang airline ay bahagi ng Terminal Assignment Rationalization Program sa NAIA.
Samantala noon ding Sabado ay inilunsad ng ZIPAIR ang inaugural flight nito mula Narita patungong Manila. (DDC)