Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 165 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, 3:48 ng madaling araw ng Linggo, July 2.
May lalim na 2 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensity bunsod ng nasabing pagyanig. (DDC)