2 Pinay nabiktima ng human trafficking, pinuwersang maging sex workers sa Malaysia

2 Pinay nabiktima ng human trafficking, pinuwersang maging sex workers sa Malaysia

Pinag-iingat ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang maghahanap ng trabaho sa ibang bansa laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala matapos ang karanasan ng dalawang Pinay na nabiktima ng human traffic sa Malaysia.

Paalala ng BI, dapat makipag-ugnayan sa mga departamento ng pamahalaan gaya ng Department of Migrant Workers (DMW) kapag maghahanap ng trabaho.

Ibinahagi ni Tansingco ang kaso ng dalawang Pinay na kamakailan ay napauwi na sa bansa matapos mabiktima ng human trafficking sa Malaysia.

Ang isa sa kanila na itinago sa pangalang ‘Shiela’, 29-anyos ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakailan.

Ayon kay ‘Sheila’, nakilala niya sa pamamagitan ng Facebook ang kaniyang recruiter at inalok siyang magtrabaho bilang waitress sa Malaysia.

Gayunman, nang dumating siya doon ay pinilit siyang maging sex worker para mapagbayaran umano ang mga ginastos sa kaniyang pag-alis sa bansa na aabot sa P150,000.

Isa pang biktima na itinago sa pangalang ‘Michelle’, 21-anyos ang dumating din sa NAIA kamakailan.

Pinangakuan naman siya ng trabaho bilang waitress na may sweldo na P40,000 kada buwan.

Ayon kay ‘Michelle’, bumiyahe siya Malaysia sa pamamagitan ng bangka at hindi dumaan sa anumang formal ports of exit.

Kwento ‘Michelle’, pinilit siyang gumamit ng ilegal na droga, at uminom ng alak at ginawa ring sex worker.

Kinumpiska ang kanilang cellphone kaya hindi nila nagawang makahingi agad ng tulong sa mga otoridad.

Ang mga biktima ay inasistihan ng Department of Justice Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT). (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *