Wage Hike sa Metro Manila magiging epektibo sa July 16 ayon sa Wage Board

Wage Hike sa Metro Manila magiging epektibo sa July 16 ayon sa Wage Board

Kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) na magiging epektibo na sa July 16, 2023 ang P40 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon sa NWPC, sa ilalim ng Wage Order No. NCR-24, ang mga trabahador sa non-agriculture sector ay makatatanggap na ng P610 na minimum wage.

Habang ang mga nasa agriculture sector, service, at retail establishments na mayroong 15 pababa na empleyado at manufacturing establishments na mayroong 10 pababa na empleyado ay tatanggap na ng P573 na minimum wage.

Una ng sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makikinabang sa wage hike ang 1.1 million na minimum wage earners sa Metro Manila.

Maaari ding magbenepisyo dito ang nasa 1.5 million na full-time wage at salary workers na kumikita ng above minimum wage sa ilalim ng pagpapatupad ng “correction of wage distortion”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *