Minimum wage sa mga manggagawa sa NCR tataas ng P40

Minimum wage sa mga manggagawa sa NCR tataas ng P40

Tataas ng P40 ang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE), inaprubahan ng Regional Wage Board sa NCR ang wage Order No. NCR-24 na magpapatupad ng dagdag sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ang dagdag na P40 sa sahod ay para sa mga manggagawa sa non-agriculture at agriculture sector.

Dahil dito, mula sa P570 na minimum wage ng mga nasa non-agriculture sector sa NCR ay tataas ito sa P610.

Ang mga nasa agriculture sector naman, service sector at retail establishment na mayroong empleyado na 15 pababa at mga manufacturers na may empleyado na 10 pababa ay tataas sa P573 ang minimum wage.

Sinabi ng DOLE na ang wage order ay naisumite na sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong June 26, 2023.

Iniutos na ng NWPC ang publication kautusan.

Inaasahang magiging epektibo ang dagdag sahod sa July 16, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *