P48M na halaga ng ‘shabu’ na itinago sa chocolate balls nakumpiska sa dayuhang pasahero sa NAIA

P48M na halaga ng ‘shabu’ na itinago sa chocolate balls nakumpiska sa dayuhang pasahero sa NAIA

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P48 million na halaga ng hinihinalang shabu na itinago bilang chocolate balls sa bagahe ng isang dayuhang pasahero.

Ayon sa BOC, ang babaeng Canadian ay galing ng Mexico at dumating sa NAIA Terminal 1 lulan ng Japan Airline Flight No. JAL741.

Isinailalim sa screening ang check-in baggage ng pasahero kabilang ang x-ray scanning, K9 inspection, at physical examination, at nadisukubre ang 7,150 grams hinihinalang shabu na itinago sa Truffle Chocolate Balls.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kabuuang P48,620,000 ang halaga ng shabu.

Nasa kostodiya ng PDEA ang dayuhang suspek para sumailalim sa imbestigasyon at inquest proceedings para sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *