Dagdag sahod sa mga manggagawa posible ayon kay Pangulong Marcos
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na magpatupad ng dagdag sahod para sa mga manggagawa.
Sinabi ito ng pangulo sa courtesy call sa Malakanyang ni International Labor Organization Director General Gilbert Houngbo.
Ayon sa pangulo, nakipagpulong na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga labor unions and organizations.
Tiwala ang pangulo na makapagpapatupad ng wage hike sa lalong madaling panahon.
Ang kasalukuyang minimum wage sa bansa ay P372 hanggang P470 depende sa rehiyon. (DDC)