Taguig LGU nagkaloob ng mga bagong sasakyan at kagamitan sa PNP, BFP at Barangay
Ipinagkaloob ng Taguig City Government ang mga bago at modernong sasakyan at kagamitan para sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Barangay sa TLC Park, Brgy. Lower Bicutan, sa lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Lani Cayetano ang turn-over ceremony para sa police and fire-fighting equipments at mga sasakyan kasabay ng pagpapasinaya sa mga ito.
Kabilang sa ibinigay ng lokal na pamahalaan ay ang mga
bagong patrol vehicles, motorcycles, ambulances, fire trucks, fire patrols, custodial vans, body cameras, vests at sniper rifle.
Ayon kay Mayor Cayetano makatutulong aniya ang mga bagong kagamitan para sa epektibong pagpapatrulya, proteksiyon at maagap na pagresponde sa emergency at sakuna gayundin ang pagpapalakas ng araw-araw na operasyon ng PNP, BFP, at bawat Barangay sa Taguig.
Ito ay bahagi sa suporta ng Taguig LGU sa kanyang pagpapanatili sa lalong kaayusan at katahimikan, kaligtasan ng publiko at emergency response services para sa mga residente sa lungsod. (Bhelle Gamboa)