Mahigit 500 pamilya sa Bulacan nagtapos na sa pagiging 4Ps beneficiary

Mahigit 500 pamilya sa Bulacan nagtapos na sa pagiging 4Ps beneficiary

Sinaksihan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang seremonya na isinagawa para sa mahigit 500 pamilya sa Bulacan na natapos na sa pagiging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Idinaos ang “Pugay Tagumpay” ceremonial graduation sa Don Caesareo San Diego Gym sa Barangay Poblacion sa bayan ng Plaridel para sa 562 na beneficiaries.

Ang nasabing mga 4Ps households ay bumuti na ang pamumuhay kaya magtatapos na ang kanilang pagiging benepisyaryo sa nasabing programa.

Kinilala ni Gatchalian ang mga pamilya sa kanilang ipinakitang disiplina at pagpupursigi upang gawing mas maayos ang kanilang.

Tiniyak naman ni Gatchalian also sa mga 4Ps graduates na maaari pa rin silang makalapit sa ahensya at sa local government unit (LGU) kung sila ay mangangailangan ng tulong.

Kabilang aniya sa mga programa para sa nagtapos na 4Ps ay ang Sustainable Livelihood Program ng kagawaran. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *