Pagiging Presidential Adviser for Poverty Alleviation ni Larry Gadon tuloy sa kabila ng disbarment ayon sa Malakanyang

Pagiging Presidential Adviser for Poverty Alleviation ni Larry Gadon tuloy sa kabila ng disbarment ayon sa Malakanyang

Tuloy ang paghirang ng Palasyo ng Malakanyang kay Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.

Ito ay sa kabila ng naging pasya ng Korte Suprema na patawan ng disbarment si Gadon.

Sa pahayag sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin, batid ng Malakanyang na may kasong nakabinbin sa Korte Suprema laban kay Gadon.

Gayunman, naniniwala aniya si Pangulong Ferdinand Marcos na ang status ng pagiging abogado ni gadon ay hindi naman makaaapekto sa kaniyang tungkulin bilang presidential adviser.

Kaugnay nito ay sinabi ni Bersamin na magpapatuloy ang bagong tungkulin ni Gadon bilang presidential adviser.

Sinabi ni Bersamin na maraming mahalagang bagay na kailangang agad matugunan sa mga anti-poverty programs ng pangulo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *