Pagpapaliban sa Barangay at SK Elections idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema

Pagpapaliban sa Barangay at SK Elections idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema

Idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa SC, labag sa Saligang Batas ang pagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) Elections (BSKE), mula sa orihinal na schedule nito na December 5, 2022 patungo sa huling Lunes ng October 2023.

Gayunman, kinilala ng SC ang legal practicality at ang pangangailangang maidaos ang
Barangay at SK Elections sa Oktubre.

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., inaprubahan ng En Banc ang consolidated petitions nina Atty. Romulo B. Macalintal at Attys. Alberto N. Hidalgo, Aluino O. Ala, Agerico A. Avila, Ted Cassey B. Castello, Joyce Ivy C. Macasa, at Frances May C. Realino na kumukwestyon sa legalidad ng Republic Act No. 11935 o “An Act Postponing the December 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa SC, bahagi ng pagkakaroon ng free at meaningful exercise ng karapatang bumoto na ginagarantyahan ng Konstitusyon ay ang pagdaraos ng periodic elections at ang pagitan ay hindi dapat sobrang tagal.

Sinabi rin ng SC na walang kapangyarihan ang Commission on Elections na ipagpaliban ang eleksyon sa buong bansa.

Ang kapangyarihang ito ay nasa Kongreso sa ilalim ng plenary power to legislate at kapangyarihang ayusin ang termino ng barangay officials. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *