Mahigit 400 PDLs pinalaya ng BuCor

Mahigit 400 PDLs pinalaya ng BuCor

Pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang aabot sa 423 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang prison and penal farms na nasa pamamahala ng BuCor araw ng Martes, June 27.

Kasabay ng aktibidad, ang kabuuang 500 na PDLs mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City at Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ay inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan sakay ng Saint Francis Xavier Voyage No. 52 sa Pier 4 North Harbor sa Manila.

Inihayag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang paglipat ng nasabing mga PDLs sa IPPF ay inisyal na hakbang ng ahensiya upang mapaluwag ang NBP bilang paghahanda sa pagsasara ng bilangguan bago ang 2028.

Ngayong taon, aabot sa kabuuang 7,500 na PDLs buhat sa minimum at medium security ang nakatakdang ilipat sa ilang prison and penal farms sa bansa. Nabatid na 2,500 rito ay dadalhin sa IPPF habang tig-2,500 na PDLs ang ililipat din sa Leyte Prison Penal Farm at Davao Prison and Penal Farm kung saan kada grupo ang pagtatransfer naman ng natitirang PDLs papuntang regional prison and penal farms sa bansa simula 2024 hanggang 2027.

Mismong si J/SInsp Angelina L. Bautista, OIC- Deputy Director for Operations and Head Executive Assistant ang nag-asikaso ng paglilipat ng mga PDLs at sinabing ang 500 PDLs mula sa NBP’s minimum at medium security compound ay sinamahan ng 100 na tauhan ng BuCor na unang inalis sa kanilang mga puwesto sa NBP maximum security compound ngunit itatalaga sila sa IPPF.

Masaya si Catapang sa paglaya ng 423 PDLs na nakakumpleto ng kanilang sentensiya at  handa na sa pagkakataong makapagbagong buhay.

“Masaya tayo pag may ganitong okasyon kasi alam natin na kaya sila nakalaya ay dahil nareporma na natin sila at handang handa na sila to join the society,” dugtong ni Catapang.

Sa 423 na lumayang PDLs, 121 rito ang napagkalooban ng parole , tatlo ang napawalang sala sa mga kaso,tig-isa ang nabigyan ng probation at lumaya sa ilalim naman ng  recognizance habang ang iba ay nakatapos ng kanilang sentensiya.

Kabilang sa mga lumaya ang 188 na PDLs mula sa NBP,  77 buhat sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte, 55 galing ng Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte, 29 sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, 11 sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro,33 sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City,23 sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan at 7 naman sa Philippine Military Academy prison facility.

Ang mga lumayang PDLs ay binigyan ng certificate of discharge mula sa prison, grooming kit, gratuity at transportation allowance.

Dumalo rin sa aktibidad sina  Undersecretary Sergio Calizo Jr., chairman, Board of Pardons and Parole at Atty. Persida Rueda-Acosta, Chief, Public Attorney’s Office. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *