Paglalagay ng bike lane sa mga lansangan sa San Fernando City, Pampanga sisimulan na

Paglalagay ng bike lane sa mga lansangan sa San Fernando City, Pampanga sisimulan na

Pormal ng sisimulan ang paglalagay ng bike lane sa San Fernando City, Pampanga.

Tinatayang aabot sa 37.50 kilometers ang haba ng ilalagay na bike lane sa lungsod na popondohan ng P78.4 million.

Isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr) at city government ng San Fernando ang Groundbreaking Ceremony para sa gagawing bike lane.

Ang pondo ay magmumula sa DOTr at ang DPWH Region 3 naman ang magpapatupad ng proyekto katuwang ang lokal na pamahalaan.

Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan mula sa DOTr, DPWH at si San Fernando City Mayor Vilma B. Caluag.

Ilalagay ang bike lane sa iba’t ibang lokasyon sa lungsod kabilang ang Jose Abad Santos Avenue (JASA), Capitol Boulevard o ang San Fernando-Lubao Road, Lazatin Boulevard o ang Northwest Diversion Road, at ang Manila North Road (MNR).

Target matapos ang proyekto sa huling quarter ng kasalukuyang taon.

Inaasahang pakikinabangan ito ng 332,000 na mga residente sa lungsod. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *