Mga nagbebenta o nagsasanla ng ‘Malabon Ahon Blue Card’ posibleng makasuhan

Mga nagbebenta o nagsasanla ng ‘Malabon Ahon Blue Card’ posibleng makasuhan

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa mga residente nitong nagsasanla o nagbebenta ng kanilang ‘Malabon Ahon Blue Card’.

Ayon sa LGU, ang sinumang mapapatunayang nagbenta o nagsangla ng nasabing card ay maaaring makasuhan ng Estafa at paglabag sa R.A. 8484 at R.A. 11449.

Ang nasabing paglabag ay may kaparusahang pagkakakulong na maaaring umabot sa sampung (10) taon o higit pa, at pagmumultahin ng halagang maaaring umabot sa P500,000.

Paalala ng Malabon City LGU sa mga benepisyaryo ng ‘Malabon Ahon Blue Card’, maaari lamang itong gamitin ng taong nakasaad ang pangalan sa card. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *