Antique niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Antique.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 30 kilometers southeast ng Anini-y, 4:32 ng madaling araw ng Martes, June 27.
May lalim na 13 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensities sa sumusunod na lugar:
Intensity II
– Anini-y, ANTIQUE
Intensity I
– Jordan, GUIMARAS; Culasi, ANTIQUE (DDC)