LPA sa Silangan ng Quezon magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

LPA sa Silangan ng Quezon magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

Makararanas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 260 kilometers east ng Infanta, Quezon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Martes, June 27, ang MIMAROPA, Bicol Region, Cagayan Valley, Aurora, at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ at LPA.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *