COVID-19 positivity rate sa NCR at iba pang lugar sa Luzon bumaba
Bumaba ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at sa marami pang lugar sa Luzon.
Ayon sa datos ng OCTA Research, mula sa 7.3 percent noong June 17, ay 6.0 percent na lang ang positivity rate sa NCR noong June 24.
Sa Batangas, mula sa 10.8 percent ay bumaba sa 5.3 percent na lang.
Malaki din ang ibinaba ng positivity rate sa Oriental Mindoro mula sa 17.7 percent patungo sa 8.0 percent.
Nakapagtala naman ng pagtaas sa positivity rate sa Benguet at Cagayan.
Sa Benguet, mula sa 13.2 percent ay tumaas ito sa 15.3 percent, habang sa Cagayan ay tumaas sa 16.7 percent mula sa 13.8 percent. (DDC)