Secretary Manalo magtutungo sa India para magsilbing co-chair sa idaraos na 5th meeting ng Philippines-India Joint Commission on Bilateral Cooperation

Secretary Manalo magtutungo sa India para magsilbing co-chair sa idaraos na 5th meeting ng Philippines-India Joint Commission on Bilateral Cooperation

Magsisilbing co-chairman para sa idaraos na 5th meeting ng Philippines-India Joint Commission on Bilateral Cooperation (JCBC) si Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo.

Nakatakdang magtungo si Manalo sa New Delhi, India base sa imbitasyon ni Minister of External Affairs Dr. Subrahmanyam Jaishankar sa June 29, 2023.

Ang Philippines-India JCBC ay isang ministerial-level platform na ginagawa kada dalawang taon para muling pagaralan ang bilateral relations at kooperasyon ng dalawang bansa.

Noong Nov. 2020, idinaos ang 4th Meeting ng Philippines-India JCBC virtually dahil sa pandemya ng COVID-19.

Para sa 5th Meeting, pangungunahan ni Manalo ang delegasyon na bubuuin ng mga opisyal mula sa DFA, Department of Finance, Philippine Space Agency, National Intelligence Coordinating Agency at Philippine Overseas Construction Board ng Department of Trade and Industry. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *