LPA nakapaloob sa ITCZ na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Eastern Samar.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 500 kilometers east ng Borongan City, Eastern Samar.
Ayon sa weather bureau ang LPA ay nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Lunes, June 26 ang ITCZ ay nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Visayas, Mimaropa, Bicol Region, Aurora at Quezon.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)