Pangulong Marcos dumalo sa anibersaryo ng Special Forces Regiment Airborne
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagdiriwang ng ika-61 na anibersaryo ng Special Forces Regiment Airborne (SFRA) ng Philippine Army.
Idinaos ang aktibidad sa Nueva Ecija araw ng Linggo, ika-25 ng Hunyo.
Sa kanyang talumpati, hinimok ng pangulo ang SFRA na ipagpatuloy ang kanilang pagsuporta sa mga Pilipino, lalo na sa panahon ng sakuna.
Siniguro naman ng pangulo na mananatili ang dedikasyon ng kanyang administrasyon sa pagtaguyod ng kapakanan ng mga miyembro ng SFRA at kanilang pamilya, maging sa pagpapabuti ng kanilang kakayahan na tuparin ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng modernisasyon at mga pagsasanay.
Kasama sa suporta ng national government sa Philippine Army ay ang Riverine Operations Equipment Project (ROEP) na makatutulong sa operasyon ng mga hukbo sa katubigan ng bansa. (DDC)