Binabantayang LPA ng PAGASA pumasok na sa bansa
Nasa loob na ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Sa 3PM bulletin ng PAGASA, ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 585 kilometers east ng Borangan City, Eastern Samar.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, maliit ang tsansa na maging ganap na bagyo ang LPA.
Gayunman, makapagpapaulan ito sa eastern portions ng Southern Luzon partikular sa Bicol Region at Quezon province, gayundin sa Eastern Visayas. (DDC)