Hiling na TRO sa kasunduan sa pagitan ng Ceneco at Prime electric Holdings ibinasura ng korte
Ibinasura ng Bacolod Regional Trial Court ang kahiligan na Preliminary Injunction at Temporary Restraining Order (TRO) upang pigilan ang Joint Venture Agreement (JVA) na nilagdaan noong Hunyo 3 sa pagitan ng Central Negros Electric Cooperative (CENECO) at Primelectic Holding Inc.
Sa tatlong pahinang desisyon ng korte sinabi ni RTC Branch 6 Presiding Judge Maria Lina Gonzaga na nilabag ng petitioner na sina Pepito Pico, Rommel Pido at Aaron Sorbito ng Negros Consumers’ Watch (NCW) at Convenors of Anti-CENECO JVA Coalition (ACJC) ang proseso sa paghahain petisyon sa korte.
Sinabi ni Judge Gonzaga na batay sa record ay lumitaw na hindi nabigyan ng kopya ng petisyon ang mga respondents sa kaso na kinabibilangan ng Ceneco Board of Officers sa pangunguna ng Pangulo nito na si Jojit Yap at mga Board members na sina Ariel Guides, Eugenio Velasco, Antonino Panique, Dwight Carbon, Noel Alarcon, Nicanor Jison at ang Primelectric Holdings Inc at Negros Electric Power Corporation na kapwa prinipreseninta ni Roel Castro.
Ayon sa korte isa sa pangunahing proseso sa isang aplikasyon na humihiling ng TRO ay dapat alam ng kabilang panig, sa nasabing kaso ay hindi nabigyan ng notice ang adverse party.
“When an application for a writ of preliminary injunction or a temporary restraining order is included or a temporary restraining order is included in a complaint or any initiatory pleading, the case, if filed in a multiple-sala court, shall be raffled only after notice to and in the presence of the adverse party or the person enjoined” nakasaad sa desisyon.
‘In any event such notice shall be preceded or contemporaneously accompanied by service of summons together with a copy of the complaint or initiatory pleading and the applicant’s affidavit and bond , upon the adverse party” ayon pa sa desisyon.
Dahil sa hindi pagsunud sa tamang proseso na itinatakda ng batas ay ibinasura ang petisyon.
“For non compliance with the specific provision of the law, the application for the issuance of Temporary Restraining Order(TRO) is denied” ayon pa sa desisyon na ipinalaba noong Hunyo 22.
Ang JVA sa pagitan ng Ceneco at Primeeletric Holdings Inc ay naglalayong maisalba ang power industry sa Negros, nasa P4 billion investment ang ilalaan para sa modernisasyon kasama dito ang pagbili ng assets at budget para sa capital expenditures(Capex).
Nasa 1,000 barangay leaders, business groups, multi sectoral groups at maging ang lokal na pamahalaan ang pabor sa nabuong JVA para na rin tuluyan nang maresolba ang problema sa kuryente sa rehiyon kabilang dito ang madalas na nararanasang brownout at mataas na presyo ng kuryente dala ng systems loss na umaabot sa P20 million kada buwan.
Umaabot sa 220,000 ang Ceneco consumers, 70 percent nito ay nasa Bacolod City habang an 30 percent at nasa mga lungsod ng Talisay, Silay, Bago, Murcia at Don Salvador.
Ang JVA ay nakatakdang isalang sa referendum sa June 24,25 at sa July 1 at 2. (DDC)