454 na bagong Correction Officers itinalaga sa BuCor

454 na bagong Correction Officers itinalaga sa BuCor

Nasa kabuuang 454 na bagong Correction Officers na karagdagang tauhan ngayon ang Bureau of Corrections (BuCor).

Binubuo ng 379 na lalaki at 75 na babaeng Correction Officers ng Class 20-2022 “Mandatos”(Mananatiling may Dangal at Tapat sa Organisasyon at Serbisyo) ang grumaduate o nagtapos sa kaukulang training sa ilalim ng Corrections Basic Recruit Course (CBRC), sa idinaos na seremonya sa Parade Grounds, New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City nitong June 23.

Pinangunahan ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., CESE ang naturang seremonya at nagsilbi siyang panauhing pandangal at keynote speaker.

Binigyang diin ni DG Catapang ang kahalagahan ng disiplina sa sarili para sa mga bagong COs na kanilang natutunan sa training na aniya’y gagabay sa kanila upang gumawa ng tama at mabuti sa kanilang mga tungkulin at trabaho.

Dumalo rin sa okasyon sina Gen.Al Perreras,OIC-Deputy Director General for Administration (DDGA) at Chief, Legal Service; J/CInsp Florencio Orillosa, Acting Director, Corrections National Training Institute (CNTI); C/SInsp Abel DR Ciruela, MSCA, Acting Chief, Human Resource Division, iba pang opisyal at tauhan ng BuCor.

Ginawaran ng parangal at pagkilala ang mga nagsipagtapos na may outstanding achievements sa iba’t ibang kategorya bilang class top achievers mula ranggong 1-10 ayon sa pagkakasunod na sina CO1 David F. Caimoy, CO1 Princess Mae D. Etulle, CO1 Robin A. Gacias, CO1 Demie Anne Zedice T. Yamon, CO1 Joyce Marie B. Gonzaga, CO1 Doris Stephanie T. Abella, CO1 Jay G Quisay, CO1 Rasheena Jane T. Encarnacion, CO1 Jep G. Omehang at CO1 Rachael L. Reponte.

Samantala tumanggap ng Leadership Award si CO1 Steven Zenrick Gaspar; CO1 Robin A. Gacias- Tactical Leadership; CO1 Romello L. Belloca at CO1 Demie Ann Zedice T. Yamon para sa Marksmanship; habang nasungit naman nina CO1 Jayson O. Lampago at CO1 Sheryl J Villasi ang parangal na Bernardo Carpio.

Patuloy naman ang mga ginagawang hakbang ni Catapang para sa reporma ng BuCor sa pagpapabuti ng kanyang mga tauhan upang maipatupad ng pangkalahatan ang modernisasyon alinsunod sa R.A. 10575 o Bureau of Corrections Act of 2013.

Malugod na binati ng BuCor chief ang mga magulang,pamilya,mahal sa buhay at mga panauhin na dumalo sa mahalagang kaganapan kasabay ng pagpahayag sa kahandahan ngayon ng mga graduates sa na isagawa ang kanilang mga bagong natutunang kaalaman sa panahon ng pagsasanay. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *