Paggamit ng makabagong teknolohiya inilatag sa NCRPO

Paggamit ng makabagong teknolohiya inilatag sa NCRPO

Upang masiguro ang de-kalidad na serbisyo publiko, patuloy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpapaunlad sa iba’t ibang aspeto ng operasyon partikular sa paggamit ng makabagong teknolohiya sang-ayon sa isinusulong na Development Framework ni Regional Director, Major General Edgar Alan Okubo.

Kaugnay nito, naganap ang Demonstration of Policecoms, Police Drone Systems and Mobile Command Center sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City..

Sa nasabing aktibidad, ipinirisinta ng Safer PH Innovations Inc., isang pribadong kumpanya na dalubhasa sa komunikasyon at teknolohiya, ang mga makabagong kagamitan na malaki ang maaaring maitulong sa mas agresibo at epektibong pagpapatupad ng batas sa Kamaynilaan.

Ilan sa mga ito ay ang mga gamit pangkomunikasyon, ang “ATAK” mobile application para sa mas mabilis na pagresponde, license plate recognition technology, at virtual shot marksmanship training.

Ibinida rin ng nasabing kumpanya ang pagpapalipad ng mga Sky Drones na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng tactical operations, search and rescue, at search and retrieval operations.

Nananatiling bukas ang NCRPO sa mga makabagong pamamaraan kaagapay ang mga pribado at pampublikong sektor na maaring makatulong upang mapataas ang antas ng serbisyong ibinibigay nito sa mga mamamayan ng Metro Manila.

“Binibigyan din natin ng pansin ang mga inisiyatiba na inaalok ng mga pribadong sektor. Lahat ng maaaring makatuwang natin ay binibigyan ng pantay na pagkakataon. Lalo na at pare-parehas ang ating layunin na panatilihing maayos at ligtas ang ating komunidad,” ani MGen Okubo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *