MMDA nakapag-suplay na ng mahigit 6,000 galon ng malinis na tubig sa mga apektadong komunidad sa Albay
Sa pananatili ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) team sa Albay, umabot na sa 6,418 galon ng malinis na tubig ang naipagkaloob nila sa mga apektadong komunidad ng nag-aalburutong Bulkang Mayon.
Naka-dispatch ang 60 units ng water filtration system ng team sa iba’t ibang evacuation centers at lugar sa Albay kung saan pansamantalang nananatili ang mga residenteng lumikas dahil sa patuloy na aktibidad ng naturang bulkan.
Ang ginagawang relief efforts ng pamahalaan sa probinsya ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga pinuntahan ng team ay ang San Andres (Purok 4); San Andres (Purok 2), at Sitio Bical, Salvacion. (Bhelle Gamboa)