MMDA sa mga motorista pairalin ang disiplina, sumunod sa batas trapiko

MMDA sa mga motorista pairalin ang disiplina, sumunod sa batas trapiko

Patuloy na pinapaalalahanan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes ang mga motorista na pairalin ang disiplina at sumunod sa batas trapiko kahit walang No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon kay Chairman Artes kahit suspendido aniya ang pagpapatupad ng NCAP, patuloy ang ginagawang monitoring ng mga lumalabag sa batas trapiko gamit ang closed circuit television (CCTV) cameras.

Base sa datos, umabot na sa 256,977 na traffic violations ang naitala mula ng nasuspinde ang polisiya noong Agosto 2022.

Ilan sa mga paglabag na minomonitor ng ahensiya ay Disregarding Traffic Sign, UVVRP o Number Coding, Loading/Unloading, Obstruction, Dress Code, Attended Illegal Parking, Anti Distracted Driving Act (ADDA), Reckless Driving, at No Crash Helmet. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *