P48M na halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa 3 magkakamag-anak sa Parañaque

P48M na halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa 3 magkakamag-anak sa Parañaque

Tinatayang P48,960,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska at nadakip ang tatlong magkakamag-anak sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Parañaque City.

Naaresto ng otoridad ang mga suspek na sina Normina Nandang Egoy, 38-anyos; Alfredo Ogali Egoy, 48-anyos; at Alvino Ogali Egoy, 47-anyos.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District Director, Brigadier General Kirby John Brion Kraft, ang operasyon sa nasabing lungsod na nagresulta ng pagkakadakip ng tatlong suspek.

Nakumpiska ng otoridad ang 7.2 kilo ng ‘shabu’, assorted drug paraphernalias, anim na cellphones, buy-bust money, record notebooks, bank slips, ilang financial documents at ATM bank cards.

Nasa kustodiya ng PDEA ang mga suspek at inihahanda na ang pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Patuloy ang aming suporta at pakikipagtulungan sa ibang ahensiya upang makamit ang iisang misyon na matuldukan ang problema ng bansa sa ilegal na droga,” pahayag ni NCRPO Regional Director, Major General Edgar Alan Okubo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *