Health Sec. Herbosa tumanggap ng COVID-19 bivalent vaccine

Health Sec. Herbosa tumanggap ng COVID-19 bivalent vaccine

Opisyal ng inilunsad ng Department of Health (DOH) ang bivalent COVID-19 vaccination sa bansa.

Si Health Secretary Teodoro Herbosa ang naging unang recipient ng bakuna sa Metro Manila sa isinagawang launching sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

Ayon kay Herbosa, bilang senior citizen at healthworker, siya ay nasa A1 at A2 category kaya nararapat na tumanggap ng bivalent vaccine.

Kayang protektahan ng bivalent vaccines ang indibidwal laban sa orihinal na COVID-19 strain, SARS-COV-2, at Omicron subvariant na BA.4 at BA.5.

Mayroong 2,900 bivalent doses sa Philippine Heart Center. Target ng pagamutan namabakunahan ang 2,500 nilang elderly at healthcare personnel.

Dumalo din sa launching si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kaniyang pahayag hinikayat ng pangulo ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *