Assistance-To-Nationals for OFWs ng DFA, inilipat na sa DMW

Assistance-To-Nationals for OFWs ng DFA, inilipat na sa DMW

Nasa ilalim na ng pangangasiwa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Assistance-To-Nationals for Overseas Filipino Workers (OFWs) na dating nasa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na pahayag ng DFA, lahat ng tulong sa mga kasong may kaugnayan sa mga OFW, kabilang ang pagbibigay ng legal o medical assistance, repatriation, at shipment ng labi kapag may pumanaw na OFW ay pangangasiwaan na ng DMW sa pamamagitan ng AKSYON Fund.

Ito ay maliban lamang sa mga bansa na walang resident Migrant Workers Offices (MWOs).

Ang mga bansa na mayrong resident MWOs ay kinabibilangan ng:

– Australia
– Brunei Darussalam
– China kabilang ang Hong Kong at Macau
– Japan
– Korea
– Malaysia
– New Zealand
– Singapore
– Bahrain
– Israel
– Jordan
– Kingdom of Saudi Arabia
– Kuwait
– Lebanon
– Morocco
– Oman
– Qatar
– UAE
– Czech Republic
– Germany
– Greece
– Italy
– Spain
– Switzerland
– UK
– Canada
– USA

Ang mga OFW mula sa mga nabanggit na bansa na mangangailangan ng tulong ay maaaring direkta ng makipag-ugnayan sa DMW. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *