3 kumpanya kinasuhan ng BIR ng P18B na halaga ng tax evasion sa DOJ

3 kumpanya kinasuhan ng BIR ng P18B na halaga ng tax evasion sa DOJ

Nagsampa ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mga gumagamit ng peke o ghost receipts.

Inihain ni BIR Commissioner Romeo Lumagui ang reklamo laban sa mga buyer, corporate officer, accounting firm at accountant na napatunayang gumagamit ng pekeng resibo.

Ayon kay Lumagui dahil sa paggamit ng pekeng resibo ng tatlong kumpanya, umabot sa P18 billion ang kanilang tax liabilities sa pamahalaan.

Una nang bumuo si Lumagui ng National Task Force-Run After Fake Transactions o RAFT para habulin ang mga tax evader.

Mayroon pang 1,000 kumpanya na iniimbestigahan ang BIR at tinatayang aabot sa P500 billion ang tax liabilities ng mga ito. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *